French national natagpuang todas

OLONGAPO CITY, Philippines — Natagpuang wala nang buhay ang isang French national ng kanyang care­taker sa loob ng kuwarto nito kamakalawa ng umaga sa Barangay Baretto ng bayang ito.

Kinilala ang biktima na si Rene Bavdaz, 68-an­yos, tubong Algrance, France at naninirahan sa #37-B Dagupan, Barangay Baretto, Olongapo City

Ayon sa inisyal na ulat, bandang alas-11:55 ng umaga nang matagpuan ng katiwala ng bahay na si Angelita Fontelera ang nasabing dayuhan na wala nang buhay sa kuwarto nito.

Mabilis namang humingi ng tulong si Fontelera sa mga kapitbahay at kaagad na ipinagbigay sa mga kinauukulan ang pangyayari.

Sinisiyasat pa ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operation (SOCO) ang sanhi ng pagkasawi biktima.

Show comments