^

Probinsiya

Embalsamador nilikida ng ‘kliyente’

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Bumulagta ang isang embalsamador matapos na barilin ng isa sa dalawang nagpanggap na kliyente sa isang funeral parlor Purok 1, Brgy. Poblacion, Nabunturan, Davao de Oro, iniulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ang biktima na si Melvin Omega, nasa hustong gulang at residente ng nasabing lugar.

Sa ulat, nilapitan umano ng dalawang suspek ang biktima habang nasa loob ng Montoya Funeral at nagtanong tungkol sa funeral service noong Huwebes ng gabi. Pero pagkatapos ng kanilang pag-uusap, bumunot umano ng baril ang isa sa mga suspek at pinaputukan ang biktima.

Naisugod pa sa ospital ang biktima pero ‘di na umabot nang buhay habang mabilis na tumakas ang mga suspek.

vuukle comment

MELVIN OMEGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with