Bumbero sumalpok sa SUV, nagulungan pa ng truck

LIGAO CITY, Albay, Philippines — Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang 26-anyos na bumbero matapos na bumangga ang kanyang motorsiklo sa isang SUV at nagulungan pa ng petroleum tanker truck sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Brgy. Dunao­ ng lunsod na ito kamakalawa ng hapon.

Tinangka pang isugod sa pagamutan pero idi­nek­larang dead-on-arrival ang biktimang si FO1 Ronnie Rey Necio Orpilla, residente ng Purok-2, Brgy. Tagaytay, Camalig at nakatalaga sa Basud Fire Station sa Camarines Norte.

Sa ulat, dakong alas-12:45 ng hapon ay magka­sunod na binabagtas ng Yamaha Sniper na motorsiklo ng biktima at Extreme Petroleum Tanker truck na minamaneho ni Ramil Estuye Gacos, 44-anyos, ng Brgy. Putiao, Barcelona, Sorsogon ang kahabaan ng highway. Gayunman, sinubukang mag-overtake ng biktima sa kanang bahagi ng sinusundang tanker dahilan para bumangga ito sa hulihang bahagi ng naka­paradang Nissan Terrano SUV sa tabi ng kalsada.

Sa lakas ng pagkakabangga, sumemplang ang motorsiklo at nagulungan ang biktima ng tanker na agaran nitong ikinasawi.

Show comments