^
No. 1 most wanted person, 1 pa napatay ng mga pulis
Isa sa mga napatay ay nakilalang si Reagan Gepulango, na umano’y No. 1 MWP ng Tigbauan Municipal Police Station (MPS), habang inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng kanyang kasamahan.
STAR/File

No. 1 most wanted person, 1 pa napatay ng mga pulis

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - March 12, 2021 - 12:00am

ANTIPOLO CITY, Rizal, Philippines — Patay ang dalawang lalaki na ang isa ay iti­nuturing na No. 1 Most Wanted Person (MWP) sa Tigbauan, Iloilo City, matapos na manlaban habang sinisilbihan ng warrant of arrest ng mga otoridad sa bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Isa sa mga napatay ay nakilalang si Reagan Gepulango, na umano’y No. 1 MWP ng Tigbauan Municipal Police Station (MPS), habang inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng kanyang kasamahan.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, bago naganap ang engkuwentro, alas-6:50 ng gabi sa Blue Mountain, Brgy. Sta. Cruz, Antipolo City ay nagtungo umano ang mga tauhan ng AKG-LFU, Antipolo Police, Tigbauan MPS at PDEG, sa naturang lugar upang silbihan ng mga warrant of arrest si Gepulango dahil sa iba’t ibang kasong kinakaharap nito.

Nakatunog si Gepulango sa presensiya ng mga pulis kaya’t kaagad na pinaputukan ang mga ito habang papalapit sa kanyang bahay.

Gumanti ng putok ang mga otoridad na nagresulta sa pagkama­tay ni Gepulango at ka­sa­mahan nito.

Nabatid na si Gepulango ay sangkot sa iba’t ibang kaso kaya’t itinu­ring siyang No. 1 MWP sa Tigbauan, Iloilo at itinuturo siyang sangkot sa pagpatay sa isang Jose Leo noong Abril 26, 2021.

May mga nakabinbin din siyang warrant of arrest sa iba pang mga kaso tulad ng ilegal na pag-iingat ng baril, carnapping, bigong pagpatay, at iba pa

MOST WANTED
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with