^
Nueva Ecija sinimulan na ang pagbabakuna
Personal na sinaksihan ang ceremonial vaccination nina Nueva Ecija Gov. Aurelio Umali, Cabanatuan City Mayor Elizabeth Vergara, Dr. Huberto Lapuz ng PJGMRMC at ilang opisyal ng Nueva Ecija Inter-Agency Task Force.
AFP/Siphiwe Sibeko/Pool

Nueva Ecija sinimulan na ang pagbabakuna

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - March 9, 2021 - 12:00am

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Nagsimula na kahapon ang pagbabakuna ng Sinovac vaccine kontra COVID-19 sa Nueva Ecija na idinaos sa isang simpleng seremonya sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center (PJGMRMC), dito.

Personal na sinaksihan ang ceremonial vaccination nina Nueva Ecija Gov. Aurelio Umali, Cabanatuan City Mayor Elizabeth Vergara, Dr. Huberto Lapuz ng PJGMRMC at ilang opisyal ng Nueva Ecija Inter-Agency Task Force.

Ang unang dalawang isinalang na maturukan ng Sinovac vaccine ay sina Dr. Ravinar Austria at Dr. Andrew Ma­ngiduyos. Kasunod nito ay ang mga doctor, nars, at empleyado ng nasabing ospital at susunod na rin iba pang frontli­ners ng mga pampubliko at pribadong ospital sa lalawigan.

Dumating ang 721 doses ng Sinovac vaccine noong Marso 6 ng hapon sa lalawigan na inihatid ng mga tauhan ng Department of Health Regional Office 3.

Ang ospital ng PJGMRMC ang itinuturing na pangunahing tumatanggap ng COVID-19 patients sa lalawigan.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with