^
Duterte pinasinayaan ang 140 silid-aralan sa Bulacan
Personal na dinaluhan ng Pangulo ang inagu­rasyon ng dalawang yunit ng apat na palapag na may 24 silid-aralan at isang yunit ng apat na palapag na may 12 silid-aralan na bagong school building sa Gregorio Del Pilar High School sa Sta. Ana, Bulakan, Bulacan; habang birtwal na pina­ngunahan sa pamamagitan ng livestreaming ang paghahawi ng pananda ng apat na yunit ng apat na palapag na school building na may 20 silid-aralan sa Virginia Ramirez-Cruz High School sa Siling Bata, Pandi, Bulacan.
STAR/File

Duterte pinasinayaan ang 140 silid-aralan sa Bulacan

Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2021 - 12:00am

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Pinasinayaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pitong gusa­ling pampaaralan na may 140 silid-aralan sa dalawang bayan sa Bulacan kamakalawa ng hapon.

Personal na dinaluhan ng Pangulo ang inagu­rasyon ng dalawang yunit ng apat na palapag na may 24 silid-aralan at isang yunit ng apat na palapag na may 12 silid-aralan na bagong school building sa Gregorio Del Pilar High School sa Sta. Ana, Bulakan, Bulacan; habang birtwal na pina­ngunahan sa pamamagitan ng livestreaming ang paghahawi ng pananda ng apat na yunit ng apat na palapag na school building na may 20 silid-aralan sa Virginia Ramirez-Cruz High School sa Siling Bata, Pandi, Bulacan.

Siniguro ni Duterte sa mga Bulakenyo na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng kanilang makakaya upang mapabilis ang COVID-19 Vaccination Program at masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral bago ang pagbabalik ng harapang klase.

Pinasalamatan naman ni Gov. Daniel Fernando si Pangulong Duterte na naging gabay ng mga lokal na opisyal sa paglaban sa pandemya at sa mga suliranin na kaakibat nito.

Sinamahan ang Pangulo sa okasyon ng kanyang common-law partner na si Cielito “Honeylet” Avanceña, Senador Bong Go, Public Works Sec. Mark Villar, Education-Central Luzon Regional Director May Eclar, Public School District Supervisor Teresita Alquiza, at iba pang lokal na opisyales ng Bulacan.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with