^

PCUP commissioner nag-sorry sa red tagging

Artemio Dumlao (Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2021 - 12:00am

BAGUIO CITY, Philippines — Humingi ng kapatawaran si Presidential Commission on Urban Poor Commissioner Melvin Mitra sa pagdawit nito sa University of the Philippines–borne Greek-letter fraternity Pi Sigma sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Nag-apologize si Mitra noong Huwebes sa Pi Sigma matapos isangkot nito ang naturang fraternity sa komunistang grupo at sinabing halos lahat ng kasapi ng naturang grupo ay kasapi ng CPP noong Enero sa isang radio program ng pamahalaan.

Lubos na humingi ng paumanhin si Mitra sa mga kasapi ng Pi Sigma sa naidulot nitong kasi­raan sa pangalan at reputasyon ng huli.

Ilan sa mga kasapi ng Pi Sigma ay sina dating­ Senator Raul Roco, dating UP President Francisco Nemenzo at iba pang katangi-tanging lider sa iba’t ibang larangan sa bansa tulad ng sa mili­­tary, police, iba pang unipormadong organisasyon, propesyunal at pampublikong sektor gaya ng LGU at pribadong larangan. Idiniin ng kapatiran na ang kasapian nito na mula noong pagkaka­tatag nito noong Agosto 15, 1972 ay umabot na sa mahigit 10,000 ay mga aktibong nakikiambag sa kabutihan ng lipunan.

Agad kinondena ng alumni association ng Pi Sigma ang irresponsible at walang basehang pananalita ni Mitra at sinabing kakasuhan nila ito sa Ombudsman.

CPP-NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with