^
Kuya binaril sa ulo ng utol, utas
Sa ulat ni P/Lt. Col. Dennis De Leon, Tiaong Police chief, nakilala ang biktima na si Benerando Ca­pina, 52, may asawa habang kina­su­han na ng pagpatay ang tuma­kas na kapatid na si Roderick Capina, 50, binata.
STAR/ File

Kuya binaril sa ulo ng utol, utas

Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - March 4, 2021 - 12:00am

TIAONG, Quezon, Philippines —  Sabog ang ulo at namatay noon din ang isang magsasaka makaraang barilin ng nakababatang kapatid na sikyu kamakalawa ng gabi sa Sitio Adelina, Brgy. Lagalag ng bayang ito.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Dennis De Leon, Tiaong Police chief, nakilala ang biktima na si Benerando Ca­pina, 52, may asawa habang kina­su­han na ng pagpatay ang tuma­kas na kapatid na si Roderick Capina, 50, binata.

Sa ulat, bandang alas-10:30 ng gabi ay nakita ang magkapatid na nag-iinuman hanggang sa magka­roon ng mainitang pagtatalo. Maya-maya ay umuwi sa kanyang bahay ang nakababatang Capina at pagbalik ay armado na ng hindi pa batid na kalibre ng baril saka pinaputukan ang kuya.

Nang duguang bumulagta sa lupa ang kapatid, naglakad lang pa­takas ang suspek dala ang baril na gi­na­mit sa krimen.

DENNIS DE LEON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with