Health workers, seniors at mahihirap uunahing bakunahan sa Bulacan

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Bibigyang prayoridad sa pagbabakuna laban sa COVID-19 ang mga health workers sa mga pribado at pampublikong pasilidad, mga nakatatanda, mahihirap at uniformed personnel sa Bulacan.

Ito ang inihayag ni Bulacan Gov. Daniel Fernando kasabay ng paglatag ng pamahalaang panlalawigan sa pangkalahatan nitong COVID-19 vaccination plan.

Ayon kay Fernando, nasa 833 health wor­kers mula sa Bulacan Medical Center ang unang grupo na matuturukan ng COVID-19 vaccine.

Bukod pa sa mga vaccination team, itinalaga rin bilang main vaccination center ang The Pavillion ng Hiyas Convention Center.

Nagsagawa na ng simulation exercise ang Kapitolyo kamakalawa upang masubok ang kahandaan ng lalawigan sa oras na dumating na ang mga bakuna. e

Show comments