HVT sa Cavite, utas sa drug bust

CAVITE, Philippines — Bumulagta matapos ang may ilang minutong habulan at barilan ang isang high Value Target ng pulisya sa naganap na drug bust ka­makalawa ng gabi sa Brgy. Tapia, Gen. Trias City.

Kinilala ng pulisya ang napatay na suspek na si Warlito Sinsay Crisino, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Pasong Camachille-2, Gen. Trias City, Cavite.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Cavite Provincial Director Police Col Marlon Santos, alas-8:40 ng gabi ng magkasa ng operasyon ang pinagsanib na puwersa ng PDEA at DEU operatives ng Gen. Trias Police laban sa suspek.

Habang isinasagawa ang transaction, nakaram­dam umano ang suspek na pulis ang kanyang ka-deal kaya agad siyang tumakbo at pinaputukan ang mga pulis. Nagkaroon ng habulan at barilan hanggang bumulagta ang suspek

Narekober sa suspek ang cal. 45 pistol (Armscor Sn. 1313784), 6-sachet ng shabu na nasa 25 gramo at may P200,000 na halaga, at isang sasakyan.

Show comments