2 ‘tulak’ todas sa buy-bust

Sa report ng Tarlac City Police, 18 sachet ng shabu ang nakuha sa katawan ng nasa­wing si Jay San Juan na sinasabing notoryus din na miyembro na “Akyat Bahay” at “Bukas Kotse” gang matapos pumalag sa ikinasang operasyon ng pinagsanib na pu­wersa ng Provincial Drug Enforcement Unit, Tarlac Provincial Police Office at Tarlac City Police sa Brgy. Sinait.
STAR/ File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines — Nasawi sa shootout ang umano’y dalawang tulak na nasa drugs watchlist nang manlaban sa mga awtoridad sa inilatag na magkahiwalay na buy-bust operation sa Tarlac City at Talavera, Nueva Ecija kahapon.

Sa report ng Tarlac City Police, 18 sachet ng shabu ang nakuha sa katawan ng nasa­wing si Jay San Juan na sinasabing notoryus din na miyembro na “Akyat Bahay” at “Bukas Kotse” gang matapos pumalag sa ikinasang operasyon ng pinagsanib na pu­wersa ng Provincial Drug Enforcement Unit, Tarlac Provincial Police Office at Tarlac City Police sa Brgy. Sinait.

Nagawang makatakas ang hindi natukoy na kasab­wat ni San Juan sakay ng motorsiklo habang nagaganap ang engkuwentro.

Sa bayan ng Talavera, sinabi ni Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng pulisya, na napatay si Roland Allan Briones matapos kumasa ng baril nang matunugan na undercover agent ang binentahan nito ng 2-sachet ng shabu sa Brgy. La Torre.

Nakuha mula sa dalawang napatay na suspek ang kanilang mga ginamit na baril na pawang cal.38 revolver na paltik.— Gary Bernardo, Christian Ryan Sta. Ana

Show comments