Estudyante timbog sa P.8 milyong marijuana
MARIVELES, Bataan , Philippines — Isang estudyante ang inaresto ng mga otoridad sa isang drug buy-bust operation at nasamsam ang pitong dahon ng marijuana bricks naganap kamakalawa sa Brgy Batangas II ng nasabing bayan.
Ang naaresto ay nakilalang si Mervin Morada, residente sa naturang barangay.
Bukod sa pitong bricks ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P840,000 ay nasamsam din sa suspek ang isa pang sachet ng naturang dahon.
Inaalam pa ng otoridad ang iba pang kasabwat ng estudyante at kung saan nito nakukuha ang supply ng ipinagbabawal na damo.
- Latest