^

9 pang bilanggo tinamaan ng COVID-19

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2021 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nagpositibo kahapon sa COVID-19 ang karagdagang siyam na preso sa Kiangan, Ifugao Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) matapos maunang tamaan ng virus ang 10 na kawani at isang kakosa noong nakaraang Biyernes.

Ayon sa Municipal Health Office (MHO) umakyat na sa 57 ang bilang ng mga tinamaan ng virus sa Kiangan.

Matatandaan na nagpositibo ang 10 kawani ng bilanguan makaraang makabalik sa duty mula nang magbakasyon sa kani-kanilang probinsiya at bayan noong Kapaskuhan habang ang isang bilanggo ay nasuring tinamaan ng virus bilang paghahanda sa paglipat niya sa National Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

Ayon sa MHO, kabilang sa 14 na naitalang kaso simula noong Lunes ay isang 34-anyos na buntis na sumailalim sa swab test bilang paghahanda sa pag­luwal nito ng sanggol anumang araw mula ngayon. Asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ang nasabing misis.

BJMP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with