^
4 na parak timbog sa shabu drug lab matapos ang ginawang Subic buy-bust
Satellite image ng Subic Bay Freeport Zone, Zambales mula sa kalawakan
Google Maps

4 na parak timbog sa shabu drug lab matapos ang ginawang Subic buy-bust

(Philstar.com) - January 15, 2021 - 5:26pm

MANILA, Philippines — Huli sa akto ang apat na kawani ng Philippine National Police matapos salakayin ng mga otoridad ngayong araw.

Biyernes nang mahuli ang apat sa isang pinaghihinalaang shabu laboratory sa Subic Bay Freeport Zone, Zambales. Aniya, "protektor" ng malalaking drug trafficker ang mga nabanggit. 

Tinukoy ang mga police-turned-suspects bilang sina Police Lieutenant Reynato Bsa Jr., Police Corporals Gino Dela Cruz, Edesyr Victor Alipio at Godfrey Duclayan Parentela — pare-parehong miyembro ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) ng Olongapo City Police Office.

Kasama sa mga nasabat apat na Glock 17, caliber .9mm na baril, 1kg of shabu, 300g of shabu na ibebenta pa lamang, atbp.

"These people are 'rotten to the core' and do not deserve to be associated with the rest of the 220,000 PNP members who are serving honorably and with dignity," ayon kay PNP chief Police Gen. Debold Sinas sa isang statement.

"I will do everything within my authority under existing PNP regulations to ensure the successful prosecution of these people."

Maliban sa mga nahuling alagad ng batas, sinasabing kasama rin sa mga natiklo ang isang sibilyan.

Ipinag-uutos na ngayon ni Sinas Central Luzon Police Regional Director na disarmahan at ilagay sa "restrictive custody" ang apat para matiyak na haharap sila sa patuloy na imbestigasyon.

"The arrested suspect Jerico Dabu was an identified member of Australian European and American-Chinese Canadian National and Filipinos engaged in maintaining illegal drug laboratory producing Three (3) to Four (4) kilos per day partially distributed to Region 3 and Metro Manila," ayon sa isang police report.

"The group is categorized as OCG considering that they have unlimited financial resources and contact persons as protector. The raw materials are reportedly imported from other countries which were inserted in the legal shipments to mislead the authorities."

Sa ngayon, sisimulan na ang summary dismissal proceedings ng mga CDEU personnel na sangkot. Isasailalim na rin daw sa agarang drug testing ang mga lespu ng Olongapo City Police office matapos ang insidente.

Nangyayari ang lahat ng ito sa gitna ng madugong "gera kontra-droga" ng pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte, na siyang sinisilip ngayon dahil diumano sa kaliwa't kanang patayan ng drug suspects.

Inaasahang ilalabas ng International Criminal Court ang kanilang desisyon kung kukuha ng pahintulot mag-imbestiga sa drug-killings ngayong first-half ng 2021.

— James Relativo at may mga ulat mula kanila The STAR/Manuel Tupas at The STAR/Artemio Dumlao Jr.

DEBOLD SINAS SHABU SUBIC WAR ON DRUGS ZAMBALES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with