^

Probinsiya

Banaue, Ifugao isinailalim sa lockdown

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Banaue, Ifugao isinailalim sa lockdown
Sa nilagdaang Executive Order noong Miyerkules ay hinigpitan ni Mayor John Raymund Wesley Dulawan ang paggalaw o paglabas ng mga tao habang isinasagawa ang malawakang contact tracing sa mga nakasalamuha ng tatlong kumpirmadong kaso ng COVID sa bayan.
Edd Gumban/File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines — Isinailalim sa lockdown hanggang sa Linggo ang pamosong bayan ng Banaue, Ifugao habang tinutukoy ng otoridad ang mga carriers ng COVID-19 matapos mapuna ang pag-usbong ng kaso ng mga hawaan doon.

Sa nilagdaang Executive Order noong Miyerkules ay hinigpitan ni Mayor John Raymund Wesley Dulawan ang paggalaw o paglabas ng mga tao habang isinasagawa ang malawakang contact tracing sa mga nakasalamuha ng tatlong kumpirmadong kaso ng COVID sa bayan.

Kabilang sa mga sinuri ay mga kawani ng munisipyo na isinara nitong kahapon hanggang ngayong araw.

Ayon sa alkalde may mga positibo sa virus, subalit hindi nila ito naramdaman habang patuloy silang nakikisalamuha sa mga tao.

Isa sa mga nahawa na nakaratay ngayon sa hospital ay walang travel history at exposure sa tukoy na kaso ng COVID-19

Ipinagbawal din ng alkalde ang anumang klase ng social gathering gayundin sa pagbebenta at paglaklak ng alak habang mayroong lockdown.

Pinaiksi rin sa kautusan ang curfew na sisimulan sa alas-8:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.

Kasalukuyang may sampung kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang Banaue.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with