3 dinukot na bading, natagpuang patay
Sa ulat ng pulisya, kinilala ang mga biktima na sina Lino Quilaneta alyas “Nicole”, Mark Ian Endrina alyas “Erika” at Gleiar Bondoc alyas “RR”, isa umanong ka­gawad sa Brgy. Zapote Uno, pawang mga ba­ding, nasa hustong gulang at residente ng Ba­coor City.
STAR/File

3 dinukot na bading, natagpuang patay

Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - January 14, 2021 - 12:00am

CAVITE, Philippines — Tatlong miyembro ng LGBTQ (lesbian, gay, bisexual­, transgender at queer) na dinukot ng armadong kalalakihan no­ong Disyembre 19, 2020 sa kanilang bahay sa Bacoor City ang natagpuan ng mga awtoridad na kapwa patay sa malalim na bangin sa Brgy. San Jose, Tagaytay City kahapon.

Sa ulat ng pulisya, kinilala ang mga biktima na sina Lino Quilaneta alyas “Nicole”, Mark Ian Endrina alyas “Erika” at Gleiar Bondoc alyas “RR”, isa umanong ka­gawad sa Brgy. Zapote Uno, pawang mga ba­ding, nasa hustong gulang at residente ng Ba­coor City.

Nagulat ang pulisya nang matagpuan din sa masukal na bangin ang isa pang bangkay na inaalam na ang pag­kakakilanlan.

Sa imbestigasyon, dakong-10:00 ng umaga nang matagpuan ng pulisya ang mga naag­nas nang bangkay ng mga nawawalang bik­­tima sa malalim na ba­­ngin sa Brgy. San Jose, Tagaytay City.

Nabatid na unang­ natagpuan ang mga bangkay nina Quilaneta at Endrina saka sumunod ang kagawad at nakita rin sa lugar ang isa pang katawan.

Ang bangkay ng tatlong miyembro ng LGBT ay positibong kinilala ng kanilang mga kaanak.

Nanawagan naman­ ng hustisya ang ka­ni­lang pamilya dahil sa wala silang maisip na dahilan umano upang paslangin ang mga biktima.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with