^

Probinsiya

SUV salpok sa waiting shed: Mag-ina dedo, 2 pa sugatan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LIBMANAN, Camarines Sur, Philippines — Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang mag-ina habang sugatan ang dalawang iba pa matapos na bumangga ang kanilang sinasakyang SUV sa konkretong waiting shed sa tabi ng Maharlika National Highway sa Brgy. Mambulo Nuevo sa bayang ito kamakalawa ng umaga.

Kapwa isinugod sa Bicol Medical Center sa Naga City pero hindi na umabot nang buhay ang biktimang si Xomera Ampuan, 28-anyos at anak na paslit na si Alhay, 2-anyos habang patuloy na ginagamot doon ang driver ng SUV na 17-anyos lang at isang Padilla Salam Bura, 20-anyos, pawang taga-Iligan City, Northern Mindanao.

Sa ulat, dakong alas-5:10 ng umaga mula Metro Manila ay mabilis na binabagtas ng Toyota Rush na may conduction sticker na PIZ380, lulan ang mga biktima, ang kahabaan ng highway patungong Min­danao Region nang biglang mawalan ng kontrol sa manibela ang binatilyo dahilan para bumangga sila sa waiting shed sa tabi ng kalsada.

Sa lakas ng pagkakasalpok, nagiba ang waiting shed habang nawasak ang sasakyan.

Mabilis na sinaklolohan ng mga residente at rumespondeng rescue team ang mga biktima pero idineklarang dead-on-arrival sa ang mag-inang Ampuan.

vuukle comment

PATAY

SUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with