71-anyos lola kinatay ng 70-anyos na mister

Isang malalim na saksak sa likurang bahagi ng katawan ang tumapos sa buhay ng biktimang si Rosario Pojo-Vista habang mapayapang sumuko sa rumespondeng mga pulis ang suspek na si Francisco Baranda Vista.
Philstar.com/Irish Lising, file

Sa bisperas ng Bagong Taon

CALABANGA, Camarines Sur, Philippines — Hindi na umabot sa pagsalubong ng bagong taon ang isang 71-anyos na lola matapos na saksakin gamit ang gulok ng kanyang mister na 70-anyos makaraang mag-away sa kanilang tahanan sa Brgy. Quinale ng bayang ito kamakalawa ng umaga.

Isang malalim na saksak sa likurang bahagi ng katawan ang tumapos sa buhay ng biktimang si Rosario Pojo-Vista habang mapayapang sumuko sa rumespondeng mga pulis ang suspek na si Francisco Baranda Vista.

Sa ulat, dakong alas-5:30 ng umaga sa hindi malamang dahilan ay nag-away ang mag-asawang senior citizen sa harap ng kanilang bahay.

Ayon sa ilang saksi sa tindi nang mainit na pagtatalo ng dalawa makalipas ang ilang sandali habang nagsisiga ng tuyong dahon ang biktima sa kanilang bakuran ay lumapit ang suspek dala ang itak at biglang sinaksak sa likod ang asawa na agarang nasawi.

Hindi naman tumakas ang lolo na agad naaresto habang nabawi ang itak na ginamit sa pananaksak.

Show comments