^
3 drug pusher todas sa buy-bust
Sa Brgy. Sto. Niño 1st, San Jose City, Nueva Ecija ay napatay ng mga otoridad ang dalawang hindi pa kilalang mga drug pusher habang sugatan ang isang pulis na si Corporal Mark Joseph Tangonan.
Miguel De Guzman, file

3 drug pusher todas sa buy-bust

Ed Amoroso, Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - December 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlong drug pusher ang nasawi sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Nueva Ecija at Laguna.

Sa Brgy. Sto. Niño 1st, San Jose City, Nueva Ecija ay napatay ng mga otoridad ang dalawang hindi pa kilalang mga drug pusher habang sugatan ang isang pulis na si Corporal Mark Joseph Tangonan.

Sa ulat, ala-1:45 ng madaling araw ay nagsagawa ng buy-bust operation ang mga otoridad at dito ay nagpanggap na buyer si Tangonan.

Subalit, natunugan ng dalawang suspek na pulis ang kanilang transaksiyon kaya’t binaril nila si Tangonan na nasugatan.

Gumanti ng putok ang mga kasama ni Tangonan at napatay ang dalawang suspek at narekober ang dalawang armas na cal. 38 at 22 na paltik at isang motorsiklong gamit ng mga ito sa pagtutulak ng droga.

Sa Laguna, isang high value drug suspect ang napatay sa buy-bust at nakumpiska ang nasa P495,000 halaga ng shabu naganap sa Purok 2, Brgy. Sto Niño, Biñan City, Laguna malapit sa Pavillion katabi ng Philippine Natio­nal Rail Road, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Laguna Provincial Director Col. Serafin Petalio ang suspect na si Abdul Rahman Camama, alias “Orak”, 34, miyembro ng Almazan Drug Group.

Ayon kay Petalio nakabili ang kanilang pulis ng isang sachet ng suspected shabu mula sa suspek,subalit nakahalata ito na pulis ang ka-transaksiyon at bumunot ng baril at pinagbabaril ang mga otoridad.

Gumanti ng putok ang mga otoridad at napatay ang suspek.

DRUGS PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with