Administrator ng Lasam, Cagayan itinumba

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Sa halip na humaba ang buhay sa regular na ehersisyong pagbibisikleta tuwing umaga, naging “mitsa” ito ng kamatayan ng municipal administrator ng Lasam, Cagayan matapos siyang abangan at itumba ng hindi pa natukoy na berdugo sa highway ng Barangay Callao sa nasabing bayan kahapon.

Sa report ng pulisya, pagputok ng liwanag, nadiskubre ng mga tao ang nakahilatang bangkay ni Benjamin Augustos Agatep, 55-anyos, na naliligo sa sariling dugo sanhi ng mga tama ng bala dakong alas-5:00 ng umaga.

Kasalukuyan na nagbi-bisikleta ang biktima nang itumba ng mga hindi pa natutukoy na mga suspek. Natagpuan sa hindi kalayuan ang bisikleta ng biktimang animo’y dinaanan ng gulong ng sasakyan.

Si Agatep ay itinuturing na kanang kamay ng pinsan niyang alkalde na si Mayor Dexter Agatep ng Lasam na malimit niyang kinakatawan sa mga pagtitipon.Isa ang pulitika sa tinitingnang anggulo ng mga imbestigador sa krimen.

Show comments