Biyuda pinasok sa bahay saka niratrat

Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala ng kalibre 45 sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ay kinilalang si Lorena Estolano, 41, isang vendor.
STAR/File

CANDELARIA, Quezon, Philippines — Patay agad ang isang biyuda makaraang paulanan ng punglo ng hindi pa nakikilalang salarin na pumasok sa bahay nito sa Purok 4, Barangay Mangilag Norte, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala ng kalibre 45 sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ay kinilalang si Lorena Estolano, 41, isang vendor.

Sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi habang nasa loob ng kanyang bahay at nagtitiklop ng mga damit ang biktima nang biglang pumasok ang suspek at agad na pinagbabaril ang una saka kaswal na naglakad patakas.

Show comments