2 HVT timbog sa P2.5 milyong shabu
PAMPANGA, Philippines — Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng City Intelligence Unit at Police Station 2 ang dalawang high value target (HVT) sa isinagawang magkahiwalay na drug buy-bust operation sa Brgy. Lourdes North West, Angeles City noong Huwebes.
Sa ulat buhat sa tanggapan ni Angeles City Police Director P/ Col. Joyce Patrick Sangalang, kinilala ang mga suspek na sina Orlando Dayrit, alias “Orly”, 44, may asawa, ng Brgy. Sto. Domingo, at Arnold Guibo, 39-anyos alias “Tisoy Guibo” ng Brgy. Sta. Teresita na nasa Top 6 Sibat Target Phase 1 ng pulisya.
Nasamsam sa mga suspek ang nasa humigit kumulang sa 370 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P2,516,000.00, isang kulay green na Toyota Vios at buy-bust money na ginamit sa operasyon.
- Latest