Kahit magpa-Pasko: COVID-19 'liquor ban' sa Davao epektibo uli sa Lunes
Litrato ng mga ibinebentang alak, bagay na ipagbabawal mag-operate simula Lunes sa Davao City
STAR/Michael Varcas, File
Kahit magpa-Pasko: COVID-19 'liquor ban' sa Davao epektibo uli sa Lunes
(Philstar.com) - October 29, 2020 - 6:39pm

MANILA, Philippines — Keber lang ang pamahalaang lungsod ng Davao kahit na paparating ang holidays — ipagbabawal kasi uli ang alak doon bilang pag-iingat sa nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19).

Inilabas ni Davao City Mayor Sara Duterte ang Executive Order 59, Huwebes, bagay na magpapataw uli ng "24-oras na liquor ban" doon.

Dahil diyan, bawal munang tumoma, magbenta at maghain ng nakalalasing na inumin sa publiko simula Lunes hanggang matapos ang 2020.

"No liquor and any other alcoholic or intoxicating drinks shall be solid, served or consumed in public 24 hours of the day effective 5 AM of November 2, 2020," ayon sa alkalde.

"[T]here is an urgent need to reimpose a 24-hour liquor ban in Davao City to prevent the exposure of individuals to the COVID-19 virus by reason of their unbridled drinking sessions."

Magtatapos ang nasabing kautusan pagsapit ng ika-31 ng Disyembre 2020.

Upang matiyak na masusunod ang ordinansa, magsasagawa ng surveillance ang Vices Regulation Unit (VRU) at Barangaay Council sa lahat ng restawran, fastfood, sari-sari store at kahalintulad na establisyamento.

"[They] must immediately move for the closure of an establishment after a single violation is properly documented," dagdag pa ng direktiba.

Dati nang nagpatupad ng mga liquor ban sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas noon upang "mapigilan" ang lalong pagkalat ng COVID-19 infection, ngunit muling niluwagan ito simula nang mailagay sa general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ) ang maraming bahaging Pilipinas.

Kasalukuyang nasa MGCQ ang Davao City, bagay na muli daw nagpahataw sa dami ng COVID-19 infections sa lungsod.

"[T]here is a surge of COVID-19 cases in Davao City because of the innumerable activities allowed during [MGCQ]," sabi pa ng dokumento.

Nasa 376,935 na ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa huling tala ng Department of Health, Huwebes. Sa bilang na 'yan, 7,147 na ang patay. 

— James Relativo

DAVAO CITY LIQUOR BAN SARA DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with