Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas paakyat na ng 377,000
Naglalakad ang mga residenteng ito sa sementeryo habang suot ang mga face masks at face shields kontra COVID-19 sa pagbisita sa mga yumaong mahal sa buhay, ika-28 ng Oktubre 2020
AFP/Ted Aljibe
Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas paakyat na ng 377,000
James Relativo (Philstar.com) - October 29, 2020 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Wala pa ring tigil ang arawang increase ng coronavirus disease (COVID-19) cases kahit bahagya nang bumaba, dalawang araw bago magsara ang ika-34 na linggo ng quarantine sa Pilipinas.

Ito ang lumalabas matapos pumalo ang mga domestic cases nito sa 376,935, ayon sa bagong ulat na datos ng Department of Health (DOH), Huwebes.

"[A]ng Department of Health ay nakapagtala ng 1,761 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala, mayroon namang 740 na gumaling at 33 na namatay," pagbabahagi ng kagawaran.

Sumatutal, nasa 7,147 tao na ang namamatay sa pathogen simula nang pumasok ito mula sa Wuhan, China. Higit na nakararami naman diyan ang mga gumamiling na nasa 329,848.

Karamihan sa mga panibagong biktima ng pandemya ay sinasabing nagmula sa mga sumusunod na lugar: 

  • Quezon City (85)
  • Rizal (74)
  • Caloocan City (73)
  • Davao City (70)
  • Laguna (69)

Sa kabila niyan, tanging 39,940 na lamang ang maituturing na "active cases" sa ngayon, o yaong mga patuloy pa ring dumaranas ng nasabing karamdaman.

Siyam na laboratoryo ang sinasabing hindi nakapagsumite ng kani-kanilang mga resulta sa COVID-19 Data Repository System (CDRS) nitong Miyerkules.

Dagdag pa nila, anim na "duplicates" ang tinanggal sa mga naunang total case count matapos mapag-alamang tatlo rito ang gumaling na.

Sa kabila ng mga datos na inilalabas ng DOH, napag-alaman ng Social Weather Stations (SWS) na 70% ng mga Pilipino ang duda sa mga inilalabas na bilang pagdating sa COVID-19 cases — 23% lang sa kanila ang naniniwalang malapit ito sa katotohanan.

Magsing-dami naman sa 34% ang mga naniniwalang may under-reporting at over-reporting ng COVID-19 deaths sa Pilipinas, habang 27% lang sa kanila ang nakikitang tama ito. 

Basahin: SWS: 23% ng Pinoy naniniwalang 'realistic' ang gov't COVID-19 case reports

Samantala, iminumungkahi naman ng Metro Manila mayors na mapanatili sa maluwag-luwag sa general community quarantine (GCQ) ang kanilang rehiyon hanggang Disyembre, ngunit hindi pa raw ito handa sa pinaka-maluwag na modified GCQ.

"Ang recommendation ng [Metro Manila Council]... magkaroon ng GCQ until end of the year, hanggang Dec. 31 po para magkaroon po tayo ng continuous strategy at di magkaroon ng spike all over Metro Manila," ani MMC chair at Parañaque Mayor Edwin Olivarez sa ulat ng Teleradyo.

Sa ngayon, halos nasa 43,788,712 na ang nahahawaan ng kinatatakutang virus disease buong mundo. Sa bilang na 'yan, 1,163,459 na ang patay, taya ng World Health organization (WHO).

DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with