^

Probinsiya

Bebot naningil ng ‘sex service’ kinatay ng suki

Raymond Catindig - Pilipino Star Ngayon
Bebot naningil ng �sex service� kinatay ng suki
Sa report ng pulisya, kusang inamin ni Reynaldo Dizon, binata at walang trabaho ang pag­patay sa biktimang si alyas “Grace”, 29-anyos sa pamamagitan ng pagtarak ng 19 pulgadang itak sa dibdib noong Lunes.
STAR/ File

Tinarakan ng 19 pulgadang itak saka itinapon

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines —  Pagtangging magbayad ng kanyang utang ang mo­tibo kung bakit kinatay ng isang 35-anyos na mister ang babaeng suki niya sa aliw at itinapon pa ang bangkay nito sa tapat ng isang pansitan, dito sa lungsod kamakalawa.

Sa report ng pulisya, kusang inamin ni Reynaldo Dizon, binata at walang trabaho ang pag­patay sa biktimang si alyas “Grace”, 29-anyos sa pamamagitan ng pagtarak ng 19 pulgadang itak sa dibdib noong Lunes.

Ayon kay Dizon, nagdilim ang kanyang pani­ngin sa gitna ng kanilang pagtatalo ni Grace nang pilitin siyang mag-abot ng pera kapalit ng kanyang serbisyo matapos magtalik gayong wala siyang kapera-pera.

Inamin pa ng suspek na matapos niyang mapatay ang biktima ay matiyaga niyang hinila sa labas ang bangkay saka iniwan sa tapat ng sarado nang pansiterya pasado hatinggabi.

Bago ang pagpatay, lumalabas na hinatid ng isang bugaw si Grace sa bahay ni Dizon para sa sex service sa Brgy. Ugac Norte dakong alas-10:40 ng gabi.

Ayon kay Police Staff Sergeant Justin Dela Cruz,  tinukoy ng mga kabaro ang bangkay ni Grace sa punerarya kaya nila nasambit sa mga imbestigador na malimit nilang nakikita sa Dizon sa kanilang tambayan.

Sumama naman si Dizon sa imbitasyon sa kanya ng awtoridad para sa imbestigasyon at kalaunan ay walang kakurap-kurap niyang ikinumpisal ang krimeng ginawa sa sinasabing babaeng bayaran.

Unang napagkamalang transgender si Grace dahil sa maiksi nitong buhok at mukha itong lalaki subalit nakumpirma ang kasarian niya na tunay na babae matapos matukoy habang nakalagak sa punerarya ang kanyang bangkay.

vuukle comment

REYNALDO DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with