Pugante inutas sa kanyang hideout
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Patay ang isang pugante makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang armadong salarin sa kanyang hideout sa Purok 3, Midsalip, Zamboanga del Sur kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Nestor Dumandos, 38-anyos at isang takas na bilanggo ng Ramon Magsaysay District Jail.

Sinabi ni Police Major Edgar Hinoctan, hepe ng Midsalip Police, dakong alas-11 ng tanghali nang bigla na lamang sumulpot ang armadong lalaki sa bisinidad ng pinagtataguan ni Dumandos saka siya pinagbabaril ng shotgun.

Sa pahayag ng mga saksi, mabilis na tumakas ang suspek matapos na matiyak na napuruhan nito ang biktima.

NESTOR DUMANDOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with