Bagong commander ng Scout Ranger 1st Regiment, itinalaga

SAN MIGUEL, Bulacan, Philippines — Pormal nang hinirang ng Philippine Army bilang bagong commander ng First Scout Ranger Regiment o FSRR si Col. Freddie Dela Cruz kapalit ni outgoing commander Brig. Gen. William Gonzales.

 Pinangunahan ni Army Commanding General Lt. Gen. Cirilito Sobejana ang change-of-command ceremony na ginanap sa Kampo Simon Tecson sa Brgy. Tartaro, San Miguel.

 Bago maging regiment commander ng FSRR, naging deputy group commander ng Presidential Security Group si Dela Cruz.

 Sa larangan naman ng combat, namuno siya bilang commanding officer ng 4th Scout Ranger Battalion sa Mindanao at ang 3rd Scout Ranger Company sa Visayas. Isang kasapi ng Tanglaw-Diwa Class of 1992 sa Philippine Military Academy at saka nagtapos ng pagiging isang Scout Ranger.

 Bukod dito, kumuha rin si Dela Cruz ng hiwalay na scout ranger course sa United States Army sa Fort Benning sa Georgia hanggang matamo ang master’s degree sa National Security Administration sa National Defense College of the Philippines.

Show comments