_ngayon
^

Probinsiya

70 mountaineers na stranded sa Pampanga na-rescue

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
70 mountaineers na stranded sa Pampanga na-rescue
Ayon kay 7th Infantry Division Spokesperson Maj. Amado Gutierrez, batay sa report ni 48th IB Commanding Officer Lt. Col. Felix Emeterio Galvez, nasa 23 hikers ang kanilang na-rescue noong Oktubre 11 sa may Brgy. Macawat, Floridablanca na agad namang nai-turnover sa mga opisyal ng kanilang mga lokalidad.
STAR/ File

MANILA, Philippines  — Nasa 70 mountaineers na na-stranded dahil sa masungit na panahon bunsod ng low pressure area (LPA), ang nasagip ng Philippine Army-48th Infantry Battalion at Floridablanca Police sa isinagawang dalawang araw na search and rescue operations sa Pampanga.

Ayon kay 7th Infantry Division Spokesperson Maj. Amado Gutierrez, batay sa report ni 48th IB Commanding Officer Lt. Col. Felix Emeterio Galvez, nasa 23 hikers ang kanilang na-rescue noong Oktubre 11 sa may Brgy. Macawat, Floridablanca na agad namang nai-turnover sa mga opisyal ng kanilang mga lokalidad.

Sinabi ni Galvez, nagtungo ang mga hikers sa Malalatawan Falls at dito na sila na-stranded dahil sa sama ng panahon.

Nasagip din kinabukasan, (Oktubre 12) ng mga sundalo at pulis ang nasa 47 indibiduwal kabilang ang mga hikers at siklista makaraang ma-trap sa masungit na panahon sa Sitio Telepayong, boundaries ng Brgy. Mawacat, Floridablanca, Pampanga at Subic, Zambales. Sila ay agad binigyan ng pagkain at first aid.

Pinuri naman ni 7th ID commanding general M/Gen. Alfredo Rosario ang mga sundalo sa kanilang pagsisikap sa pag-rescue sa mga na-stranded. Pinayuhan din niya ang mga mountaineers, hikers at cyclist na maging mapagmatyag sa kanilang mga aktibidad lalo na kapag masama ang panahon.

LPA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with