63-anyos bulagta sa road rage
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - October 17, 2020 - 12:00am

SARIAYA, Quezon , Philippines  — Isang 63-anyos na lolo ang patay matapos barilin ng isang lolo ring tricycle dri­ver sa naganap na road rage sa Purok 5, Barangay Mamala ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na nagtamo ng bala ng caliber 9mm sa dibdib ay kinilalang si , samantalang naaresto ang suspek na si Meynandro Baliwag, 67 ng Brgy. Tumbaga 1.

Ayon sa ulat, sakay sa Rusi tricycle na minamaneho ng pamangkin na si Risalito Delos Santos ang biktima at live-in partner na si Felomina nang banggain sila dakong alas-4:00 ng hapon ng Yamaha tricycle ng suspek.

Mabilis na pinasibad ng suspek ang minamanehong tricycle kung kaya’t hinabol ng biktima at nang abutan ay agad kinompronta.

Sa gitna ng kanilang diskusyon, binunot ng suspek mula sa beywang ang dalang baril at pinaputukan ang biktima.  Hindi pa nasiyahan, maging ang live-in partner ng biktima ay binaril din subalit sa kabutihang palad ay pumalya ang baril.

Kasong murder at frustrated murder ang kinakaharap na kaso ng suspek na nakapiit sa municipal jail.

DANILO RAMOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with