Kawani ng munisipyo itinumba
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Bulagta sa harap ng kanyang bahay ang isang 60-anyos na kawani ng munisipyo matapos na pagbabarilin ng hindi nakilalang dalawang gunmen sa Brgy. Mahayahay, Placeer, Masbate kamakalawa ng hapon.
Dead-on-the-spot makaraang mapuruhan ng punglo sa katawan ang biktimang si Renato Lequigan Sr. na casual employee ng LGU-Placer.
Sa ulat, dakong alas-4:45 ng hapon habang nakatayo sa harap ng kanyang bahay ang biktima nang biglang sumulpot ang dalawang suspek.
Sa hindi malamang dahilan ay biglang bumunot ng baril ang dalawa at walang kaabug-abog na pinagbabaril ang biktima na agarang namatay saka nagsitakas patungong Brgy. Locso-an.
Nakuha ng mga rumespondeng pulis sa crime scene ang dalawang basyo ng bala ng Kalibre 45 at apat na basyo ng Kalibre 9mm na baril.
- Latest