Brig. Gen. de Leon, bagong PRO-3 director

CAMP OLIVAS, SAN FERNANDO CITY, Pampanga, Philippines ? Pormal nang isinalin ni outgoing chief Brigadier General Rhodel Sermonia kay Brig. Gen. Valeriano de Leon ang katungkulan na pamu­nuan ang buong kapulisan sa Gitnang Luzon o Police Regional Office 3.

Sa isang simpleng seremonya sa Makatao Acti­vity Center sa Camp Olivas, personal na sinaksihan ni PNP chief General Camilo Cascolan ang pag­sasalin ng katungkulan ni Sermonia kay de Leon.

Bago manumpa si de Leon bilang bagong regional director ng PRO-3, siya ay nanungkulan bilang hepe ng Human Resource Doctrine and Development sa Camp Crame at naging direktor ng PRO-7 noong si Gen. Archie Gamboa pa ang hepe ng PNP.

Si Brig. Gen. Sermonia naman ay manunungkulan bilang Police Community Relations chief sa Camp Crame.

Sina Sermonia at de Leon ay magka-Mistah sa Phillippine Military Academy Makatao Class of 1989.

Show comments