Drug den operator sakote sa drug raid
Sinisiyasat ng mga ahente ng NBI at PDEA ang nakuhang droga sa sinasabing drug den operator matapos malambat sa drug operations kahapon sa Ba-guio City.
Artemio A. Dumlao
Drug den operator sakote sa drug raid
Artemio Dumlao (Pilipino Star Ngayon) - September 19, 2020 - 12:00am

BAGUIO CITY, Philippines — Bumagsak na sa kamay ng batas ang isa umanong notoryus na shabu den operator na nagsu-supply ng droga sa mga street pushers sa isinagawang operasyon ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) Philippine Drug Enforcement Agency sa  central business district, dito kahapon.

Ang suspek na nakorner ng mga awtoridad ay kinilalang si Victor Alec Sales Leal, 41, sa kanyang compound na ginawa umano nitong drug den at drug retail store sa may Lower Magsaysay.

Ayon kay Atty. Noel Morales, executive officer NBI-Cordillera na namuno sa dragnet operation, isang babaeng tulak na nais nang magbago ang nagturo sa shabu dealer nitong si Leal sanhi upang ikasa ang buy-bust operation. Nagsilbing poseur buyer ang lady pusher turned informant at bumili ng 5 gramo ng shabu kay Leal.

Bagama’t nasa .2 gramong shabu na lang ang narekober kay Leal na ibinenta nito sa lady informant, nakuha naman sa kanya ang glass tooter at mga butane lighters.

Sa kabila nito, inamin ni Leal na gumagamit siya dati ng ilegal na droga pero kailanman ay hindi umano siya nagbenta ng shabu o ginawang drug den ang kanyang lugar.

NBI
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with