Maglola inanod ng mala-tsunaming alon

SULTAN KUDARAT, Philippines —  Patuloy na pinaghahanap ng otoridad ang isang maglola matapos anurin umano ng mala-tsunaming alon nitong Martes ng gabi ang dalampasigang ba­hagi ng Purok Campo Muslim, Barangay Pob­lacion, Palimbang.

Kinilala ang nawa­walang maglola na sina Guinima Odin Adam, 60-anyos at ang kanyang apo na si Haifa Dalimban, 12-anyos kapwa residente ng na­sa­bing lugar.

Ayon kay Palimbang Mayor Teng Ka­pinan na sa ngayon ay wala pa ring naki­kitang anu­mang sen­yales sa da­lawang na­­wa­wala kung saan pahirapan din ang gina­gawang pag-res­­­cue ng mga otori­dad­ dahil sa panaka-nakang­ pagbuhos ng ulan, sanhi ng papalabas na Bagyong Leon.

Hindi bababa sa 25 kabahayan ang wi­nalis ng nasabing ga-bundok na alon sa dalampasigan ng Kampo Mus­lim sa barangay Poblacion na dulot ng bagyong Leon.

Nasira rin ang ilang mga tulay na nagdudugtong sa Barangay Badiangon at Barangay Poblacion, kapwa sa nasabing bayan dahil din sa flashflood mula sa kabundukan ng Kidapong.

Show comments