3 NPA leaders sumuko sa Benguet

MANILA, Philippines — Iprinisinta kahapon ng Police Regional Office-Cordillera ang tatlong opisyal ng New People’s Army na pawang naka-PPEs sa Camp Bado ­Dangwa sa La Trinidad, Benguet matapos ang kanilang pagsuko.

Kinilala ang tatlong sumuko na sina Ka Alice, assistant medic and logistic officer sa ilalim ng  Platoon ANVIL, KLG AMPIS na kumikilos sa tri-boundaries ng Mountain Province, Ilocos Sur, at Abra; Ka Jimmy, political instructor ng KLG MARCO na nag-o-operate sa Mountain Province at Kalinga partikular sa Sagada, Bontoc, Sadanga, at Tinglayan; at si Ka Benjie na dating miyembro ng KLG BAGGAS na sinanay sa paggawa ng bomba ng isang instructor mula Mindanao.

Isinuko rin nina Ka Benjie at Ka Alice ang kanilang M1 US cal. 30 carbine rifles kay PRO-Cordillera Regional Intelligence Division Chief PCol. Reynaldo Pasiwen at Deputy Regional Director for Administration P/Col. Lawrence Coop na sinaksihan  ni Regional Director B/Gen. R’win Pagkalinawan at iba pa sa command group.

Show comments