2-anyos lasog sa motorsiklo
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - September 7, 2020 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nagkalasug-lasog ang murang katawan ng isang 2-anyos na bata matapos na mabangga ng motorsiklo na nawalan ng direksyon habang nasa tindahan sa tabi ng kalsada sa Purok-6, Brgy. San Rafael, Jose Panganiban, Camarines Norte kamakalawa ng umaga.

Sinubukan pang isugod ng kanyang ina sa Barrios Hospital pero hindi na umabot nang buhay ang batang biktimang si Shakira Eunice Resuena Chozas, residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-7 ng umaga habang nasa harap ng Adilla’s Store ang biktima nang biglang salpukin ng motorsiklo na minamaneho ni Felix Cecillano Requijo, 51-anyos, residente ng lugar.

Ayon sa suspek nawalan siya ng kontrol sa handle bar ng minamanehong motorsiklo dahilan para dumiretso ang takbo nito patungo sa tindahan at nabangga ang paslit. Mabilis na isinugod ang duguang biktima sa pagamutan pero idineklarang dead-on-arrival.

MOTORSIKLO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with