Kagawad kisay sa ginagawang quarantine facility, 1 pa sugatan

Kinilala ng Diadi Police ang nasawi na si Kagawad George Nilo, habang inoobserbahan sa pagamutan si Kagawad Arnold Hadji; kapwa residente at opisyal ng Barangay San Luis sa nasabing bayan.
STAR/File

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Patay ang isang kagawad habang sugatan ang isang kapwa opisyal ng barangay matapos silang makuryente habang gumagawa ng isolation facility para sa COVID-19 patients sa Diadi, Nueva Vizcaya kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng Diadi Police ang nasawi na si Kagawad George Nilo, habang inoobserbahan sa pagamutan si Kagawad Arnold Hadji; kapwa residente at opisyal ng Barangay San Luis sa nasabing bayan.

Lumalabas sa imbestigasyon na habang tumutulong ang dalawang opisyal kasama ang mga kabarangay sa pagggawa ng isolation facility para sa mga dinapuan ng COVID sa kanilang lugar nang aksidenteng sumabit sa kable ng kuryente ang hawak ng mga biktima na PVC pipe na may alambre, dakong alas-5:40 ng hapon. Agad nangisay si Nilo at nasugatan si Hadji.

Mabilis na isinugod sa Diadi Emergency Hospital ang dalawang opisyal ng barangay subalit idineklarang dead-on-arrival si Nilo. 

Show comments