^
Birthday party nilusob: Higit 40 huli
Kinilala ni P/Senior Master Sergeant Edgar Mandac ang promotor ng okasyon na si Restine Pajares, 35, manager ng Personal Collection direct selling sa Gattaran na siya ring birthday ­celebrant.
STAR/File

Birthday party nilusob: Higit 40 huli

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - August 25, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Mahigit 40 katao ang arestado at dinala sa himpilan ng pulis­ya matapos magdaos ng magarbong birthday party nang walang face mask at face shield na paglabag sa umiiral na community quarantine sa panahon ng pandemya sa Brgy. Capissayan Norte, Gattaran, lalawigang ito noong Linggo.

Kinilala ni P/Senior Master Sergeant Edgar Mandac ang promotor ng okasyon na si Restine Pajares, 35, manager ng Personal Collection direct selling sa Gattaran na siya ring birthday ­celebrant.

Nabatid na nilusob ni Chairman Dwight Catindoy at mga opisyal ng barangay ang bahay ni Pajares dakong alas-4:30 ng hapon bilang tugon sa reklamo ng mga residente kaugnay sa nilikhang ingay at pa­ngamba sa mga bagong mukha na dumayo sa lugar na maaring may dalang COVID-19.

Bukod sa social distancing, nilabag din ni Pajares ang regulasyon ng DTI sa pagbebenta ng tiket at pagsasagawa ng raffle draw sa okasyon nang walang kaukulang permit.

BIRTHDAY COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with