^

Probinsiya

Tserman sa Cavite itinumba ng tandem!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Tserman sa Cavite itinumba ng tandem!
Emilio Mercado

Matapos sibakin ang mag-amang baragay staff

CAVITE, Philippines — Patay ang isang barangay chairman dito matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nakatayo sa tapat ng kanyang bahay sa Brgy. Daang Amaya 1, bayan ng Tanza kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Emilio Mercado, nasa hustong gulang at aktibong tserman sa nasabing barangay.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nagkaroon umano ng away sa pagitan ng nasabing tserman at sina Greg Crudo, dating chief tanod na tinanggal nito sa pwesto at anak na si Reymark Crudo, dating barangay secretary ng biktima. Nakaalitan din umano ng kapitan ang isa pang opisyal ng barangay na si Myron Ner na first kagawad nito.

Noong Mayo 30, 2020, naghain ang kapitan ng reklamong “threat and unjust vexation” laban kina Greg Crudo at Ner na sinisilip na motibo sa pamamaslang.

Alas-4 ng hapon kamakalawa habang nakatayo ang biktima sa tapat ng bahay nito nang bigla siyang tapatan ng isang kulay pulang Yamaha Nmax na hindi nakuha ang plaka at pinagbabaril ng dalawang suspek na magkaangkas bago mabilis na tumakas.

Nangangalap na ng kopya ng CCTV ang pulisya sa pinangyarihan ng insidente.

vuukle comment

KRIMEN

RIDING IN TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with