^

Probinsiya

2 ‘tulak’ timbog sa P2.4 milyong shabu

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Dalawang hinihinalang big time na tulak ng ipinagbabawal na droga ang naaresto matapos na masamsaman ng mahigit sa P2-milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation ng pulisya kamakalawa ng gabi sa Brgy. Burol 1, Dasmariñas City.

Kinilala ni Cavite Provincial Police director Col. Marlon Santos ang mga nadakip na suspek na sina Rackman Mocaibat alias “Kambal”, ng Blk. 9 Lot 3, Main Road, Windward Subd., Brgy. Burol 1, Dasmariñas City at Alfred Socorro, 33-anyos ng Extension 16, Brgy. Emmanuel Bergado 1 ng lungsod ring ito.

Sa ulat, ikinasa ng Dasmariñas City Police kasama ang mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang buy-bust laban sa dalawang suspek dakong alas-6 ng gabi sa nasabing lugar matapos ang ilang araw na surveillance.

Nakipag-deal ang mga suspek sa poseur buyer at nang nagkakaabutan na ng droga at buy-bust money ay dito na sila dinakma.  

Nakuha sa mga suspek ang nasa 400 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2,470,400 at marked money na ginamit sa operasyon.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with