Binata natupok sa sunog

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog alas-3:00 ng hapon sa bahay ng biktima kung saan hindi ito nakalabas dahil sa posibleng mahimbing na natutulog.
Philstar.com/File Photo

PIGCAWAYAN, North Cotabato, Philippines — Hindi na nakalabas sa nasusunog nilang bahay ang 23-anyos na si Paulo Peñalosa, naganap kamakalawa sa Barangay Anick sa nasabing bayan at lalawigan.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog alas-3:00 ng hapon sa bahay ng biktima kung saan hindi ito nakalabas dahil sa posibleng mahimbing na natutulog.

Posible umanong natutulog ang biktima nang maganap ang sunog.

Ayon kay Barangay Anick Chairperson John Umadhay, wala umanong kasama sa bahay ang biktima nang mangyari ang insidente.

Mabilis namang napatay ang sunog at hindi na kumalat pa sa mga katabing bahay. Inaalam pa ng otoridad ang posibleng pinagmulan ng sunog sa bahay ng biktima na yari sa lights materials.

Show comments