^

Probinsiya

Kelot na nakipag-eyeball sa textmate, natagpuang patay

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Kelot na nakipag-eyeball sa textmate, natagpuang patay
Ang biktima na si Erick­son Paralleon, 30, ng Brgy. Lual ay kinilala ng kanyang ama sa suot nitong wrist watch at tattoo sa kaliwang bahagi ng kamay.
AFP

MAUBAN,Quezon, Philippines — Naaagnas na nang matagpuan kamakalawa ang isang binatang may anim na araw nang nawawala na hinihina­lang pinaslang nang kinatagpuang textmate sa Barangay Daungan.

Ang biktima na si Erick­son Paralleon, 30, ng Brgy. Lual ay kinilala ng kanyang ama sa suot nitong wrist watch at tattoo sa kaliwang bahagi ng kamay.

Ayon Kay PLt. Benito Nevera, Deputy chief of police dito, nakatanggap sila ng ulat mula sa mga opisyal ng barangay tungkol sa mabahong amoy na nagmumula sa kakahuyan.

Nang tuntunin ng pulisya ang pinagmumulan ng masangsang na amoy ay natagpuan nila dakong alas-10:30 ng umaga sa irrigation canal ang naaagnas na katawan ng isang lalaki.

Nakita rin malapit sa pinagtagpuan ng bangkay ang isang motorsiklo na hinihinalang pag-aari ng biktima na may anim na araw nang nakatengga doon.

Kinumpirma ni Rafael Paralleon, ama ng biktima na sa kanyang anak ang motorsiklo at ang long sleeve at reflectorized vest na nakita sa loob ng tool box ng sasakyan.

Bago umano nawala ang biktima noong July 8,2020 ay nakita itong abala sa pagte-text sa isang hindi pa kilalang textmate.

Inaalam pa ng pulis­ya ang dahilan ng pagkamatay nito at kung sino ang salarin.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with