^

Probinsiya

Baragay kagawad, tanod dinukot ng NPA

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Baragay kagawad, tanod dinukot ng NPA
Sa ulat, dakong alas-11 ng gabi sa hindi malamang dahilan ay pinasok ng pitong armadong kasapi ng NPA ang bahay ng natutulog na sina Dela Cruz at kinaladkad palabas.
STAR/File

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Hindi pa natatagpuan ang isang barangay kagawad at tanod matapos na pasukin sa kanilang bahay at kaladkarin ng hinihinalang mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) patungo sa bulubunduking lugar ng Brgy. Mapili, Balud, Masbate kamakalawa ng gabi.

Patuloy na pinaghahanap ang mga biktima na kinilalang sina Noli Dela Cruz, 51-anyos, kagawad ng Brgy, Mapili at kamag-anak na si Marlon Dela Cruz Bajar, 25-anyos, tanod ng nasabi ring barangay.

Sa ulat, dakong alas-11 ng gabi sa hindi malamang dahilan ay pinasok ng pitong armadong kasapi ng NPA ang bahay ng natutulog na sina Dela Cruz at kinaladkad palabas.

Sumunod na sinugod ng mga armadong rebelde ang bahay ni Bajar at sapilitan siyang inilabas at kasama na ang kaanak na kagawad na sapilitang dinala paakyat sa bundok.

Hindi pa malaman kung buhay o pinaslang na ng mga suspek ang dalawang biktima habang patuloy na umaasa ang mga kamag-anak nila na sila ay buhay pa.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with