No.1 ‘most wanted’ utas sa shootout

TAYABAS CITY, Philippines  - Bumulagta ang itinuturing na numero unong “most wanted person” sa lungsod na ito makaraang makipagbarilan sa mga awtoridad na aaresto sa kanya sa Brgy. Alitao, iniulat kahapon.

Sa report ni P/Major Mark Amat, chief of police dito, kinilala ang napaslang na suspek na si dating Philippine Constabulary (PC) Jose Lubrica, 70, may asawa at kasalukuyang residente ng nabanggit na barangay.

Isisilbi sana ng joint operatives ng PIT-Quezon, RIA-4A, SAF at Intelligence operatives ang warrant of arrest sa suspek na nahaharap sa kasong murder subalit agad umanong nagpaputok ng dalawang beses dakong alas-11:15 ng umaga.

Nang gumanti ang mga awtoridad, dito na napaslang ang suspek at narekober sa kanya ang isang Norinco caliber 45, mga magazine at mga bala.

Show comments