Kuha ng pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Lungsod ng Cebu.
The Freeman/John Lindsey Banaynal
123 katao sa siksikang Cebu City Jail bagong kaso ng COVID-19
(Philstar.com) - April 22, 2020 - 4:28pm

MANILA, Philippines — Sumirit pa nang 123 ang bilang ng mga tinatamaan ng nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19) sa loob ng Cebu City Jail, Miyerkules.

Sa 139 panibagong kaso na naitala sa lungsod, 123 dito ang nagmula sa nasabing kulungan, ayon sa ulat ng The FREEMAN.

"Resulta ito ng ating COVID-19 mass testing sa buong Lungsod ng Cebu," paliwanag ni Cebu City Mayor Edgardo Labella kanina sa Inggles.

Una nang naitala ang apat na kaso naturang viral infection sa Cebu City Jail, na kinabibilangan ng dalawang gwardya at dalawang preso.  Sa bilang na 'yan, isa na ang namamatay.

Ilan pa sa tinamaan ng COVID-19 sa Cebu ay naitala sa mga sumusunod na lugar:

  • Libangon (9)
  • Barrio Luz (3)
  • C. Padilla (1)
  • Kasambanga (1)
  • Inayawan (1)
  • Cebu Cit Health Office (1)

Setyembre noong 2019 nang ibalita ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na Cebu City Jail ang pinakasiksikan nilang detention facility.

Ang nasabing kulungan ay nagsisilbing tirahan para sa 5,805 na inmate.

Isang linggo pa lang ang nakalilipas nang makapagtala ng 18 COVID-19 cases ang BJMP sa Quezon City Jail matapos mahawaan ang siyam na inmate at siyam na kawani.

Kamakailan lang din nang maitala ang 20 kaso ng sakit sa loob ng Correctional institution for Women sa Lungsod ng Mandaluyong — 19 preso at isang miyembro ng health staff ang sinasabing nakakuha ng sakit.

Paglaya ng inmates na delikado sa COVID-19

Patuloy pa ring nananawagan ang mga human rights groups at abogado na mapalaya na mula sa kulungan ang may mga sakit at matatandang inmate, na nakikitang mas bulnerable sa sakit.

Dahil sa siksikan sa mga jail facilities, mahirap aniya na maipatupad ang "social distancing" upang maiwasan ang hawaan sa loob.

Kasalukuyan namang nagbabalangkas ng "interim guidelines" ang Board of Pardons and Parole para mapabilis ang paglabas ng mga persons deprived of liberty (PDL) na may edad, may sakit at dumaranas na sa mga seryosong kapansanan.

Pabor naman ang BJMP sa pagpapaluwag ng mga kulungan, ngunit sana raw ay gawin ito alinsunod sa itinatakda ng batas. — may mga ulat mula kina Kristine Joy Patag at The FREEMAN

CEBU CITY INMATES NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with