Ex-councilor sa Arayat itinumba

 Camp Julian Olivas, Pampanga, Philippines – Agad na nasawi ang isang dating konsehal sa bayan sa Arayat matapos pagbabarilin ng mga ‘di kilalang suspek sa Purok Uno. Barangay Cacutud noong Biyernes ng gabi.

Sa ulat sa tanggapan ni Regional Director Brig. Gen. Rhodel Sermonia, kinilala ang biktimang si Ferdinand Bautista, 55, piggery farm caretaker at residente ng Purok 3, Brgy. San Agustin Norte, Arayat, Pampanga.

Pasado alas-7 ng gabi habang sakay sa kanyang motorsiklo na may plakang TMX-155 pauwi sa kanilang bahay at sinasabing galing sa sabungan nang biglang dikitan ng gunmen saka pinagbabaril.

Matapos isagawa ang pamamaslang, mabilis na tumakas ang mga suspek sa ‘di malamang direksyon.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kung sino ang nasa likod ng krimen at motibo nito.

Show comments