HVT arestado sa drug ops

ANGELES CITY, Pampanga, Philippines — Ares­tado ang isang lalaki na high value target (HVT) dahil sa umano’y pag-ii-ngat ng shabu matapos magsagawa ng anti-illegal drugs operation ang pinagsanib na puwersa ng Angeles City Police Station 1 at City Intelligence Branch sa 093 JP Laurel Street, Brgy. Virgen Delos Remedios dito sa lungsod noong Martes ng gabi.

Sa ulat sa tanggapan ni P/Major Dickson Tolentino, kinilala ang suspek na si Jeffrey Salas, 41, alias “Jeff”, binata. Nasamsam dito ang nasa  55.74 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P379,032, isang 0.25 caliber na stainless pistol na kargado ng bala, mga drug paraphernalia at marked money. Kasong paglababag sa RA 9165 at RA 10591 ang kakaharapin ng nasabing suspek.

Show comments