Seaman nagpainom sa tabing ilog, nalunod

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nauwi sa trahedya ang  masayang pagbubuklod ng barkada ng isang seaman na nagpainom sa tabing ilog na sanhi ng kanyang pagkalunod sa Brgy. Culing East, Cabatuan, Isabela noong Linggo. Kinilala ang biktima na si Gian Andres, 27, na nakabakasyon sa kanyang teritoryo sa Brgy. Sampaloc Cabatuan.

Ayon sa report, bigla na lamang naglaho si Andres sa gitna ng kasiyahan ng laklakan ng grupo hanggang mamataan ng kanyang mga kasamahan ang lumulutang niyang katawan sa Magat River dakong alas-7:20 ng gabi.

Isinugod si Andres sa isang pribadong ospital kung saan siya idineklarang patay.

Show comments