Lolo tigok, 1 sugatan sa 4.5 magnitude lindol

NORTH COTABATO, Philippines — Patay ang isang 65-anyos na lolo matapos na atakihin sa puso habang isa pa ang sugatan sa lalawigang ito nang tumama ang 4.5 magnitude na lindol sa Mindanao nitong Huwebes.

Kinilala ang nasawi na si Romualdo Vicente habang ang nasugatan ay si Jhon Eric Bercasio, 18, at nakatira sa Mlang, North Cotabao.

Mabilis na isinugod sa Mlang District Hospital ang dalawa pero idineklarang patay si Vicente.

Nabatid na taga-Sultan Kudarat ang lolo at bumisita lamang sa kanyang kamag-anak sa naturang bayan nang biglang tumama ang lindol. Tinamaan naman si Bercasio ng nahulog na malaking crucifix sa loob ng kapil­ya sa Brgy. Poblacion B, Mlang sanhi ng kanyang tinamong sugat.

Ayon kay PDRRM warning and action officer Engineer Arnulfo Villaruz, si Vicente ay na-cardiac arrest matapos tumama ang lindol na ang sentro ng pagyanig ay may lalim na 2-kilometro sa bayan ng Makilala dakong alas-9:03 ng umaga.

Show comments