Tanod bulagta sa buy-bust
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - February 29, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Bulagta ang isang 19-anyos na barangay tanod na umano’y tulak ng droga matapos manlaban sa inilatag na buy-bust operation laban sa kanya sa Barangay Victoria, San Mateo, Isabela kahapon (Biyernes) ng madaling araw. Kinilala ng Pulis­ya ang napatay na si Justine Carlo Apostol na tanod sa Barangay Tres at isang drug surrenderee. 

Sa report kay Major Darwin Urani, hepe ng San Mateo Police, natunugan ni Apostol na pulis ang kanyang binentahan ng isang sachet ng shabu kaya nito pinaputukan ang huli dakong alas-2:00 ng umaga. 

Masuwerteng naka-bullet proof vest ang pulis na agad nakaganti ng putok kay Apostol na agad namatay. Nasamsam sa bangkay ang baril nitong cal.38 revol­ver na paltik, dalawa pang sachet ng shabu at motorsiklong gamit nito sa pagdedeliber ng droga.

BUY-BUST DROGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with