3 studes lasog sa road mishap
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines —Tatlong binatilyong estudyante ang nasawi habang isa ang kritikal sa dalawang insidente ng sal­pukan ng motorsiklo at trak sa Roxas at San Mariano,  Isabela noong Lunes.

Sa report ng Pulisya, nang agaw ng linya ang motorsiklong may kulong-kulong na mina­maneho ni Hanz Charlie Viado 16 na sanhi upang salpukin nito ang kasalubong na dump truck sa highway sa Brgy. San Placido, Roxas dakong alas-3:15 ng hapon.

Namatay agad sa lugar si Viado at angkas niyang kapwa Grade 10 student na si Jhonrence Esquivel, 16-anyos, pawang nakatira sa Brgy. Rizal, Roxas. Sumuko naman sa mga awtoridad ang drayber ng trak na si Danilo Anog, 49.

Sa San Mariano, pisak naman si Jaymark Flores, 15-anyos nang gulungan siya ng trak na kanyang kasabay sa highway ng Brgy. Minanga.

Sa report, tinangka ni Flores na mag-overtake nang tumbukin ng minamaneho nitong motorsiklo habang angkas si Gerald Taguimacon, 17, ang likurang bahagi ng trak.

Namatay agad si Flores habang isinugod sa ospital si Taguimacon. Sumuko naman sa mga pulis ang drayber ng trak na si Gilbert Tolentino, 31-anyos, matapos ang sakuna. Victor Martin, Joy Cantos

ROAD MISHAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with